-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Labing limang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Bungos ng BIFF-Bungos faction.

Sumuko ang mga rebelde sa pwersa ng 1st Brigade Combat Team sa Brgy Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

I-prenisenta ang mga rebelde sa mga local officials ng mga bayan ng Midsayap, Libungan, Pigcawayan sa probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat at Sultan Mastura sa Maguindanao kasama si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roberto Capulong.

Ayon kay alyas Waway na silay sumuko dahil sa kahirapan sa buhay at nais na nilang magbagong buhay para bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Ang mga rebelde ay kumikilos sa mga bayan ng Mamasapano, Ampatuan, Shariff Saydona Mustapha Maguindanao at ilang bayan sa North Cotabato.

Hinikayat naman ni MGen Capulong ang mga nalalabi pang myembro ng BIFF na sumuko na at magbagong buhay.