(Update) BUTUAN CITY – Umaabot sa 15 na mga bloke ng floating cocaine ang nadagdag ngayon sa listahan ng Police Regional Office (PRO-13) sa mga nai-turnover matapos matagpuan ng mga mangingisda ng Dinagat Islands sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Unang narekober ang walong bloke ng floating cocaine ni Jouie Cabantoc malapit sa light house sa Sitio Dahican, Brgy. Helen, Gibosong Islands, sa bayan ng Loreto, Dinagat Islands, Surigao del Norte pasado alas-5:00 kahapon ng hapon.
Sinasabing mabilis daw niyang na-turnover kay Brgy Kagawad Ramil Marquito ang mga bloke na siya namang nag-inform sa Dinagat Islands Provincial Mobile Force.
Pagkalipas ng 40 minuto, pitong iba pa ang narekober naman ng mangingisdang sina Clyde Cabe, 36; Benito Cabantoc, 16; Clark Cabe, 36, at Joselito Balbuena.
Kaagad din naman itong nai-turnover sa Regional Crime Laboratory Office-13 at nagpositibong cocaine nga na may timbang na 9,805 gramo o halos 10 kilos at nagkakahalaga ng P51,966,500.
Matatandaang noong Pebrero 12 nitong taon, natagpuan din sa karagatan ng Cagdianao, Dinagat Islands, ang 37 bricks ng cocaine na may timbang na 48.825 kilos at nagkakahalaga ng P244.1 milliobn na sinundan noong Pebrero 14 at Pebrero 15 sa San Isidro, Surigao del Norte, kung saan nasa 40 mga bricks naman na nagtimbang ng 40-kilos at nagkakahalaga ng 212-milyong piso.
Sinundan ito noong Pebrero a-24, sa Tandag City, Surigao del Sur ng 34 bricks na may timbang na 43.62 kilos at nagkakahalaga ng P231 milyon.
At ang huli ay noong Abril 7 sa Burgos, Surigao del Norte na umaabot naman sa 40 bricks na tumimbang ng 48.575 kilos at nagkakahalaga ng P257.4 milyon.15 bloke na naman ng cocaine narekober sa Surigao del Norte at ang huli ay noong Abril 7 sa Burgos, Surigao del Norte na umaabot naman sa 40 bricks na tumimbang ng 48.575 kilos na nagkakahalaga ng P257.4 milyon.
Sa kabuuan, nakakolekta na ang PRO-13 ng 160 bricks ng cocaine na may timbang na 190.825 kilos at may market value na P946 milyon.
Patuloy naman ang panawagan ni PRO-13 regional director Brig. Gen. Gilberto DC Cruz sa kahat ng mga residente ng Caraga Region lalo na sa mga coastal areas na manatiling alerto at kaagad na isumbong sa mga otoridad ang kahit na anumang kaduda-dudang bagay na kanilang makikita.