VIGAN CITY – Seryoso umano ang gobyerno sa hangaring malinis ang bansa laban sa illegal na droga, ang isa sa mga pangunahing kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) sinimulan na nila ang paglilinis sa mga barangay.
Sinabi sa Bombo Radyo Vigan ni DILG Undersecretary for barangay affairs Martin Diño, kabuuang 15 barangay captains sa buong bansa ang kanilang sinampahan ng kaso dahil sa walang silang Barangay Anti- Drug Abuse Council (BADAC).
Ipinagmalaki pa ng opisyal, mula sa mahigit 40,000 BADAC sa buong bansa, lahat ng barangay sa Pilipinas ay may anti-drug abuse council na kung saan kaagapay ng DILG sa pagsugpo sa iligal na droga.
“Ang BADAC sobrang activated na ngayon. Nung bago maghalalan ng barangay 41 thousand plus ang nag-submit ng BADAC, 15 ang hindi sumunod kaya kinasuhan natin yung 15. Eh ngayon lahat ng barangay nag-submit ng BADAC at ang minomonitor ng DILG kailangan functional kailangan nagpa-function,†wika ni Dino.
Ang BADAC ay isang grassroots program ng DILG na naglalayong nakabuo ang isang barangay kasama ang stakeholders nito ng mga sasawata laban sa paglaganap ng illegal na droga sa komunidad.