-- Advertisements --
comelec checkpoint

Iniulat ni Philippie National Police chief PGen Benjamin Acorda Jr. na may nadadagdagan pa ang bilang ng election gun ban violations na naitala ang kapulisan sa unang mga araw ng pagsisimula ng election period sa bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Acorda, mula nang simulan na ang implementasyon ng election gun ban noong Agosto 28 ay mayroon nang 15 kaso ng mga paglabag dito ang naitala ng PNP mula sa mahigit 600 Comelec checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kung maaalala, una nang nagbabala ang Pambansang Pulisya na mahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Resolution No. 10918 ang sinumang mahuhuling ilegal na may dalang armas sa kasagsagan ng panahon ng pagpapatupad ng election gun ban sa bansa.

Tanging mga uniformed personnel tulad ng mga pulis at sundalong nakaduty ang pinahihintulutang magdala ng baril at maging ang mga indibidwal na mayroong gun ban exemption na mula sa Commission on Elections.

Ang election gun ban ay ipinatupad mula noong Agosto 28, 2023 hanggang sa November 29, 2023.