Nasa 15 election related violence incidents ang naitala ng pambansang pulisya simula ng mag-umpisa ang election period noong April 14, 2018.
Ayon kay PNP Chief Police Director Gen. Oscar Albayalde, ang mga insidente ay may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa darating na May 14, 2018.
Nilinaw naman ni Albayalde na sa ngayon, suspected election related violence incidents pa ang mga ito at ongoing pa ang ginagawang validation ng PNP.
Paliwanag pa ng PNP chief, lahat kasi ng mga insidente ng karahasan na sangkot ang mga barangay officials ay kanilang ikinukunsiderang election related violence incidents.
Samantala, patuloy pang tinutukoy ng PNP kung ilan ang nasawi sa 15 naitalang election related violence incidents.