Mapalad ang 15 empleyado ng electric carmaker na Tesla matapos nilang makatanggap ng kauna-unahang Model 3s na gawa sa China.
Sinabi ni Wang Hao, general manager ng Tesla sa China, mas marami pa umanong kotse ang ipapadala sa kanilang mga empleyado sa mga susunod na araw.
Sa susunod na buwan naman ay ipapadala na rin ang order na sasakyan ng kanilang mga customers.
Itinayo sa loob lamang ng 10 buwan ang factory ng Tesla sa China at sinimulan ang produksyon noong Oktubre.
“This is a happy gathering. The delivery of China-made Model 3s to our beloved workers is to reward everyone’s hard work this year,” saad ng kumpanya.
Ginamit naman ng isa sa mga empleyadong nakatanggap ng nasabing kotse ang pagkakataon na ito upang mag-propose sa kaniyang nobya. Nang itaas nito ang hood ng kotse ay bumungad ang mga bulaklak. Ayon sa empleyado, nais niya raw ibigay ang Model 3 sa kaniyang nobya bago nita ito yayaing magpakasal.