-- Advertisements --

Dinukot ng mga Boko Haram extremist ang nasa 15 na mga school girls sa Chibok, Nigeria.

Ayon sa registrar ng College of Agriculture and Animal Science sa Bakura na inatake ng mga armadong suspek ang paaralan pasado alas-diyes ng gabi.

Pinatay pa nil anag mga nakabantay na pulis at dalawang security officers bago dukutin ang 20 katao na kasama na ang 15 mag-aaral.

Ang limang mga dinukot ay mga staff at mga kaanak ng mga estudyante.

Sa ginawang pagtaya ng United Nations na aabot sa 950 na mga estudyante na ang nadukot ng mga armadong grupo mula pa noong Disyembre.