-- Advertisements --

Nasa ligtas na kalagayan na ang mga estudyanteng nagka-panic attack kasunod ng Mag. 5.4 na lindol na tumama sa Zamboanga del Norte kahapon, January 24, 2025.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 15 estudyante mula sa Unibersidad de Zamboanga ang nag-panic kasunod ng pagtama ng lindol.

Agad na binigyan ang mga ito ng supplemental oxygen upang makahinga ng maluwag habang dalawa sa kanila ang kinailangang dalhin sa ospital.

Sa kasalukuyan, ligtas na ang mga estudyante mula sa panganib.

Samantala, kasunod ng isinagawang assessment ng local disaster risk reduction and management agencies sa lugar ay natukoy ang hanggang 42 imprastraktura sa iba’t-ibang bahagi ng Zamboanga del Norte na nagkaroon ng bitak at iba pang pinsala.

Kinabibilangan ito ng ilang mga paaralan at iba pang pampublikong pasilidad.

Ayon sa NDRRMC, patuloy pa rin ang isinasagawang assesment sa mga ito.