-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Magiging mas enggrande at mapupuno ng kagandahan ang Grand Santra cruzan 2024 sa Sorsogon sa pagbisita ng labing limang Filipina beauty queens.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kenneth Chua Fontelar ang Project Officer ng Grand Santacruzan 2024, kasama sa mga makikisaya sa Grand Santa cruzan na isasagawa ngayong Mayo 19 si Miss Supranational 2013 Mutya Datul na siyang magiging Reyna Elena at ang Bicolanang si Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold.

Kasama rin sa mga rarampa sa aktibidad sina Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, Binibining Pilipinas Globe 2022 Chelsea Fernandez at Miss Global 2022 Shane Tormes.

Inaasahan rin ang pagdating ni Miss International 2023 Nicole Borromeo, Miss Earth Air 2023 Yllana Aduana, Miss Supranational 2023 first runner up Pauline Amelinckx at marami pang iba pa.

Ayon kay Fontelar, mahigpit ang ipapatupad na seguridad sa Santa Cruzan upang matiyak ang kaligtasan ng mga naggagandahang beauty queens.

Inaanyayahan naman ng opisyal ang publiko na sumama sa prusisyon na magsisimula sa Sorsogon Sports Arena sa Capitol Compound papunta sa provincial gymnasium.