Nasa 16 heads of state na ang dumating ngayon sa bansa para dumalo sa ASEAN Summit 2017 na opisyal na magsisimula bukas.
Kahapon dalawang world leaders na ang naunang dumating ito ay sina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.
Ngayong araw, November 12, 2017 ang iskedyul ng iba pang mga world leaders na darating sa bansa.
Bandanag alas-10:40 kanina ng dumating si Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith.
Si Sisoulith ay lulan ng Lao Airline na siyang flag carrier ng bansang Laos.
Si Energy Secretaryu Alfonso Cusi ang sumalubong kay Sisoulith.
Si Sisoulith ay isang Laotian politician na naging Prime Minister ng Laos mula 2016.
Siya ang dating Deputy Prime Minister mula 2001 hanggang 2016, at naging Minister of Foreign Affairsdin mula 2006 hanggang 2016.
Siya ang unang world leader na dumating ngayong araw November 11,2017.
Sumunod na dumating si Indonesian Pres. Joko Widodo.
Pasado alas-12:00 kaninang tanghali ng lumapag sa Clark International Airport ang presidential plane ang Republik of Indonesia.
Si Department of Agriculture Secretary Manny Pinol ang sumalubong kay Widodo at at sa First Lady not na si Lady Iriana.
Matapos ni Widodo, sunud-sunod na rin ang pagdating ng iba pang mga world leaders.
Ito ay ang mga sumusunod:
Malaysian Prime Minister Najib Razak,ang dumating sa Clark kasama ang First Lady nito.
Ang Malaysia ay isa sa ASEAN five founding members kasama ang Indonesia, Singapore, Philippines at Thailand.
Si OPAPP Secretary Jesus Dureza ang sumalubong kay Razak.
Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong ang dumating sa Clark International Airport sa Pampanga para dumalo sa 31st Association of Southeast Asian Nations Summit .
Si DPWH Secretary Mark Villar at ang asawa nito ang sumalubong kay Lee.
New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern dumating din sa Clark International Airport lulan ng New Zealand Royal Air Force.
Si Political Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ang sumalubong kay Ardern.
Canadian Prime Minister Justin Treadeu dumating sa Clark, Pampanga na
pinagkaguluhan ng lumapit sa mga estudyante.
Si DOST Sec Fortunato Dela Pena ang sumalubong kay Treadeu.
Alas- 2:20 kaninang hapon ng dumating sa bansa si Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha.
Si Chan-o-cha ay sinalubong ni Health Sceretary Francisco Duque.
Habang sa Ninoy Aquino International Airport, alas-2:00 ng hapon ng lumapag ang eroplano ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ito ang ika-apat na beses na bumisita sa bansa si Abe.
Si DOTR Secretary Art Tugade ang sumalubong kay Abe.
Alas-3:00 naman ng hapon kanina dumating sa bansa si South Korean Pres Moon Jae-in.
Ang South Korea ang isa sa mga dialogue partners ng ASEAN SUmmit bukod sa US, Japan, India, China, Australia, at Russia.
Si DENR Secretary Roy Cimatu ang sumalubong kay Pres. Moon Jae-in.
Si NEDA Director General Secretary Ernesto Fernia naman ang sumalubong kay Australian prime minister Malcom Turnball na dumating sa Clark.
Si Secretary Silvestre Bello nag Department of Labor ang sumalubong naman kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.
Habang si National Security Adviser Hermogenes Esperon ang sumalubong kay Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phue.
Nasa bansa na rin si Chinese premier Li Kequiang ang siyang representative naman ni Chinese President Xi Jin Ping.
Si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano naman ang sumalubong kay Li Kequiang.
Dumating na rin Indian Prime Minister Narendra Modina na sinalubong ni PCOO Sec. martin Andanar.
Ang sasalubong naman kay Sultan Hassanal Bolkiah ay si Sec. Carlos Dominguez.
Sa Timor Leste si DOT Secretary Juanda Teo ang inatasang sumalubong.
Habang si executive secretary Salvador Medialdea ang inatasang sumalubong kay US President Donald Trump.