BUTUAN CITY – Nakapagtala ng highest daily COVID-19 related deaths ngayong araw ang Caraga Region matapos na umabot ito sa 15 mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Sa latest situational report ng Department of Health (DOH) Caraga, maliban pa ito sa naitalang 190 mga bagong kaso kungsaan 185 sa mga ito ang naka-isolate at 281 ang mga bagong nakarekober.
Sa mga bagong kaso, pinakamarami ang naitala sa Surigao del Sur na umabot sa 55 mga kaso na sinundan ng 49 mga kaso nitong lungsod ng Butuan.
Sumunod nito ang 20 mga kaso sa Agusan del Norte na sinundan ng Tandag City na may 16; Dinagat Islands Province-15; Agusan del Sur-14; Surigao del Norte-10; lima sa Surigao City na sinundan ng 4 na mga kaso ng Bislig City at 2 mga kaso namanm sa Bislig City.
Dahil ito’y umabot na sa 19,966 ang cumulative COVID-19 cases nitong rehiyon kungsaan 3,596 ang naka-isolate habang 15,771 ang tuluyan ng nakarekober at 599 na ang kabuuang patay.