LEGAZPI CITY – Inaasahan ngayong linggo ang pagdating ng 15,000 doses ng AstraZeneca vaccines sa rehiyong Bicol na maibibigay sa mahigit 7,500 na mga health care workers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DOH Bicol COVID-19 coordinator Dr. Rita Mae Ang-Bon, kagaya ng naunang bakuna ng Sinovac, prayoridad sa mga bibigyan ng Astrazeneca vaccines an mga medical frontliners sa apat na pangunahing ospital sa rehiyon.
Kabilang sa mga ospital na ito na agad na pagdadalhan ng COVID vaccines ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Legazpi City; Bicol Medical Center (BMC) at Naga Imaging Center Cooperative Doctors Hospital sa Naga City at ang Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur.
Nabatid na una ng nabigyan ng bakunang mula sa China ang nasa 1,280 mga health workers sa Bicol na pasok na edad na 18 hanggang 59 anyos.