VIGAN CITY – Aabot sa 15,000 indibidwal ang nawalan ng trabaho sa sektor ng turismo sa Ilocos Sur dahil sa epekto ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Ilocos Sur Governor Ryan Singson, dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho ay napagdesisyunan na sa darating na June 1 ay magbubukas na ang turismo upang makabawi ang ekonomiya ng nasasakupan nito.
Kasabay ito ng pagsasailalim sa Modified General Community Quarantine sa probinsiya.
Aniya, 50% capacity naman ang kailangan sa mga hotel sa pagbubukas nito upang masunod ang guidelines ng Department of tourism.
Sinisiguro din ng gobernador na babantayan ng Provincial Government of Ilocos Sur ang mga boarder ng probinsya upang matiyak na nasusunod ang guidelines na ipapatupad ng Inter- Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.