Nasa 15,000 miyembro ng creative industry ang binigyan ng tulong pinansiyal sa pamamagitann ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Nasa kabuuang P75-million halaga ng tulong ang ibinigay ng pamahalaan sa mga ito bukod pa sa ibat ibang serbisyo na ibinibigay ng gobyerno.
Ang programa ay may titulong “Paglinang sa Industriya ng Paglikha,” ay isinagawa sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City na naka pokus sa itaas ang propesyunalismo sa pelikula, telebisyon, theater at radio sector.
Ang nasabing isiniyatibo ay pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na siyang major proponent ng BPSF na nakapagsilbi na nang nasa 2.5 million pamilya.
Layon ng BPSF na matulungan ang bawat sektor ng ating lipunan, kabilang ang mga nasa creative industry. Ipinapakita nito na hindi nakakalimutan ng pamahalaan ang ating mga manggagawa sa larangan ng sining at media.
Ayon kay Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada Jr. nasa P5,000 cash aid ang ipinamahagi sa mga beneficiaries sa ilalim ng Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakatanggap din ng tig limang kilong bigas ang bawat beneficiaries mula kay Speaker Romualdez.
Binigyang-diin naman ni Romualdez na ang bawat serbisyong hatid ng BPSF, layunin nitong gawing mas madali at abot-kamay ang mga oportunidad para sa ating mga manggagawa sa creative sector.
Umaasa naman si Speaker Romualdez na ang mga inisyatibo na inilunsad sa pamamagitan ng BPSF ay makakatulong sa long-term benefits ng creative industry.
“Naniniwala ako na ang mga programa ng BPSF ay magbibigay-daan sa mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan sa creative sector, at magdudulot ng mas matatag na kinabukasan para sa kanila,” pahayag ni Speaker Romualdez.