-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nadala sa pagamutan ang nasa 15 na ka katao dahil sa kanilang iniindang amoebiasis epekto nang kinain na chocolate cake sa Barangay Puntasilong, Mantiao, Misamis Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Fernando Dy Jr na isang Jessel Mae Cesmar ang naghahanda ng chocolate cake para magamit sana na pang-birthday ng kanilang kaanak.

Inihayag ni Dy na inilagay muna ito ng refrigerator upang lumamig subalit nang isinilbi na sa mga bisita ay hindi agad ito nagbigay epekto sa pangangatawan ng mga biktima.

Natuklasan rin na mayroon din inihanda na ice cream at sotanghon na nakain rin ng mga biktima.

Nang naipasok na sa provincial hospital ng lalawigan ay amoebiasis ang findings ng mga doktor para sa mga biktima.

Bagamat hindi naman nalagay sa panganib ang kalagayan ng mga biktima matapos agad nabigyan ng kaukulang medikasyon.

Unang nakaramdam nang pananakit ng tiyan at pagsusuka ang biktima ilang oras matapos nakain nila ang self-made chocolate cake at ibang naihanda na pagkain.