-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Isa na namang COVID-19 positive ang nasawi na mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya
Ang paglabing-limang nasawi ay si patient CV 1560, 65 anyos i na mula sa Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Namatay siya habang nasa Region 2 Trauma and Medical Center ( R2TMC).
Dumating lamang nitong Huwebes ang resulta ng kanyang swab test at ito ay kumpirmado sa virus.
Bukod naman sa panibagong namatay dahil sa COVID-19 ay muli ring nakapagtala ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ng 10 bagong kaso habang mayroon ding anim na nakarekober.
Sa talaan ng DOH Region 2, umabot na sa 509 na indibidwal total confirmed COVID-19 postive sa Nueva Vizcaya kung saan labing lima na ang nasawi habang 270 active cases ng habang 224 ang recoveries.