-- Advertisements --

Aabot sa 15 katao ang nasawi habang 113 ang nawawala matapos ang naganap na landslide sa eastern Uganda.

Nagresulta ang nasabing landslide dahil sa malalakas na pag-ulan na apektado sa Bulambuli district.

Nasa 40 kabahayan ang nawasak at tinangay ng malakas na pagguho ng lupa.

Mayroong unang nailigtas ang mga otoridad na 15 sugatan na katao kung saan dinala ang mga ito sa pagamutan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Prime Minister Robinah Nabbanja sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.