-- Advertisements --

Nasa 15 katao na ang patay habang marami ang pinaniniwalaang nawawala matapos ang pag-alburoto ng bulkang Nyiragongo Democratic Republic of Congo.

Sa nasabing nasawi ay siyam dito ang naaksidente habang lumalayo sa lugar habang apat ang nasawi ng magtangkang tumakas sa kulungan.

Mayroong dalawang katao naman ang nasunog na naninirahan malapit sa lugar.

Ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) na mayroong 150 mga bata ang naihawalay sa kanilang mga magulang dahil sa insidente habang ang iba ay dinala sa katabing lugar sa Goma.

Aabot naman sa 8,000 katao ang tumawid sa Rwanda para doon makahingi ng tulong matapos ang nangyarin pag-alburto ng bulkan.