Naghihinagpis ngayon ang pamilya ng mga pasaherong sakay ng Flight Z92100 sa Kazakhstan matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano na kumitil sa buhay ng 15 katao.
Ayon sa mga opisyal ng Bek Air aircraft, hindi pa man tumatagal sa himpapawid ang naturang eroplano matapos nitong mag-take off ay kaagad itong bumagsak sa isang gusali.
Nasa 60 pasahero ang sugatan na kaagad ding itinakbo sa ospital.
Patungo sana sa ang Flight Z92100 sa Nur-Sultan mula Almaty, Kazakhstan. Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang dahilan nang pagbagsak.
May sakay na 93 pasahero at limang crew member Fokker 100 aircraft.
Batay sa inilabas na passengers list ng Kazakhstan interior ministry, mayroong 85 adults, limang bata at tatlong sanggol ang naturang eroplano.
Dakong 07:22 (local time) ng umaga nang mawalan umano ng kontrol ang eroplano bago ito bumangga sa concrete barrier at sumadsad sa dalawang palapag na gusali.