-- Advertisements --

Umabot na sa 15 katao ang namatay sa naganap na shootout sa pagitan ng mga pulis at hinihinalang myembro ng Islamic State group o ISIS sa Sri Lanka.

Ito ay anim na araw matapos ang naganap na pagsabog sa Sri Lanka na ikinamatay ng 250 katao.

Nasamsam ng mga ito ang libu-libong pampasabog, 100,000 ball bearings, uniporme ng mga ISIS at pati na rin ang kanilang bandila.

Ayon sa local police, nagkaroon umano ng tatlong malalakas na pagsabog nang maganap ang nasabing shootout.

Sa impormasyon naman na inilibas ni Maj. Gen. Aruna Jayasekera, anim sa mga napatay sa raid ay hinihinalang terorista habang ang siyam naman ay mga sibilyan kung saan anim dito ay mga bata.

Nagawa namang makatakas ng isang suspek sa kabila ng kanyang natamong mga sugat

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang relasyon ng mga nasabing sibilyan sa mga mga terorista.