-- Advertisements --

SARANGANI PROVINCE – Apat ang malubhang nasaktan habang may 11 pang naging biktima sa bumaliktad nga footbridge sa Brgy. Daan Suyan, Malapatan, Sarangani Province, bisperas ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Malapatan Mayor Salway Sumbo, loaded umano ng mga tao ang naturang footbridge dahil sabay-sabay umanong dumaan ang mga ito.

Kanya namang isinilaysay na kaagad rumesponde ang apat na ambulansya sa pangunguna ng Malapatan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bagamat nasa 25 talampakan umano ang taas ng nasabing tulay, nagpasalamat din ang opisyal dahil may tubig umano ang ilog sa kasagsagan ng pangyayari kaya’t hindi naging malubha ang kalagayan ng mga biktima.

Tiniyak din ng opisyal na matutugunan kaagad ang problema sa pamamagitan ng pagsasaayos ng nasabing tulay upang muling madaanan.

Sa ngayon, pansamantala munang dadaan ang mga tao sa ibang ruta.

Nabatid na pinauwi na ang 11 na mga indibidwal matapos matiyak na maayos ang kalagayan upang makakapag boto pa nganong araw.

Habang apat naman ang nananatili sa pagamutan kung saan ang isa sa kanila ay kritikal.