-- Advertisements --
image 454

Nasa 15 katao ang sugatan sa pagsabog sa Mr. Won’s Samgyeopsal Korean restaurant sa Xentro Mall Brgy. Lumangbayan, Calapan City, Oriental Mindoro.

Batay sa ulat ng Police Regional Office MIMAROPA, kabilang sa mga nasugatan ay ang apat na empleyado ng nasabing kainan, isang delivery boy at 10 hindi pa nakikilala.

Dahil sa lakas ng pagsabog, napinsala rin ang 12 sasakyang nakaparada sa parking lot na sinasabing dahil umano sa gas leak sa naturang mall.

Samantala sa kabila nito, tiniyak ni Police Regional Office MIMAROPA Regional Director Police Brig. General Joel Doria na under control na ang insidente at nakikipagtulongan na ang Philippine National Police sa Bureau of Fire Protection sa pag-iimbestiga sa insidente.