-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 15 kawani ng lokal na pamahalaan ng Midsayap, Cotabato ang nagpositibo sa antigen test.
Batay ito sa isinagawang mandatory rapid antigen test sa mga empleyado ng LGU-Midsayap.
Ang mga nagnegatibo sa antigen test na mga kawani ay magpapatuloy sa kanilang trabaho habang ang mga nagpositibo ay pinayuhang magpa-swab ng RT-PCR test at sasailalim sa quarantine.
Kung lalabas na ang kanilang resulta at positibo sa nakakahawang sakit ay deritso na sila sa isolation facility.
Umaabot na sa 330 na kawani ng LGU-Midsayap ang sumailalim sa mandatory antigen test.
Hakbang ito ng lokal na pamahalaan na masiguro na ligtas ang kanilang mga kawani at maibsan ang hawaan sa kanilang tanggapan kontra COVID-19.