Kumpiyansa ang National Task Force (NTF) Against Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na maaabot ng gobyerno ang target nitong 15 milyong indibidwal na magpapabakuna sa tatlong araw na kampanya ng pambansang pagbabakuna laban sa COVID-19 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Sinabi ni NTF Spokesperson retired Major General Restituto Padilla, naniniwala sila na malakas at mas buay daw ang bayanihan spirit sa ating bansa.
Makakamit lamang ito kung tayo talaga ay magtutulong-tulong.
Dagdag pa ni Padilla na ang feedback mula sa mga health worker na lalahok sa vaccination drive ay “very encouraging.”
Aniya, dapat hikayatin ng publiko ang mga hindi nabakunahan na kumuha ng kanilang mga bakuna, na itinuturo na ang kampanya ng pagbabakuna ay hahantong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Target ng gobyerno na makapagturok ng five million doses kada araw sa loob ng tatlong araw.
Mayroong hindi bababa sa 29.8 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Nagsimula ang paglulunsad ng pagbabakuna noong Marso 1, 2021.
Sinisikap ng gobyerno na mabakunahan ang 80 percent ng 109 milyong populasyon ng bansa sa Mayo 9, 2022.