-- Advertisements --
Patuloy pa ring hinahanap ang 15 mangingisda na napaulat na nawawala mula pa noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Enteng sa bansa.
Ang mga ito ay huling naiulat na pumalaot sa Quezon Province noong kasagsagan ng bagyo.
Batay sa unang ulat ng Philippine Coast Guard(PCG), ang mga naturang mangingisda ay sakay sa fishing banca na Zshan(FBCA Zshan).Pumalaot ang mga ito sa Karagatang Pasipiko noong September 2 mula sa bayan ng Infanta at mula noon ay hindi na sila nakita pa.
Kahapon, Sept. 8, nagsagawa ng aerial operation ang PCG sa mga karagatang sakop ng Quezon.
Gayunpaman, hindi nasilayan ng search and rescue team ang mga mangingisda o ang banka na kanilang ginamit.