Aabot sa 15 mga local registrars ang sangkot sa hindi tamang pag-isyu ng mga birth certificates sa mga dayuhan.
Kinumpirma ito ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagharap nila sa Senado para sa pagdinig ng kanilang 2025 budget ng National Economic and Development Authority.
Ang nasabing anomalya ay naungkat dahil sa isyu na kinasasangkutan ng pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Naghain kasi ang Office of the Solicitor General ng petition na pagkansela sa birth certificate ni Go matapos na kulang ang mga dokumento gaya ng baptisimal certificate, lugar kung saan siya isinilang at maging ang pangalang ng kaniyang mga magulang.
Para maiwasan na umano ang ganitong anomalya ay sinabi ng PSA na ang mga late registranta ay kailangan mag-apply ng national ID para sila ay personal na makadalo at makuhanan ng mga biometrics.
Base kasi sa census na mayroong 3.7 milyon na mga Filipinos ang hindi pa rehistrado o walang birth certificate.