-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umabot na sa 15 mga miyembro ng bugos na tribal group na Federal Tribal Government of the Philippinesang sumuko sa otoridad kahapon, Enero a-29.

Ayon kay Police Colonel Warren Dablo, provincial director ng Surigao Del Norte Police Provincial Office, 9 sa nasabing bilang ay sumuko sa Surigao City Police Station habang anim rin sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Surigao Del Norte.

Dagdag pa sa opisyal na parehong taga Monkayo, Davao De Oro ang mga sumukp na na-recruit na sumali sa gagawing pamamadlal sa Surigao City kapalit sa matatanggap na 15,000 hanggang 50,000-pesos na monetary reward.

Sumuko ang mga ito matapos napagtanto na mali na ang ginawa sa nagpakilalang tribal group na pinangungunahan nina Jorgeto Corpuz Santisas alyas Datu Adlaw at Bae Lourdes Latraca Infante.

Kinumpirma din ni Dablo na ang mga nagsurender ay kasama sa kanilang kinasuhan dahilang makikipag-usap muna sila sa city persecutor para sa susunod na hakbang.

Nanawagan na lamang ang opisyal sa iba pang miyembro na musuko na upang sila ay matulungan.