Nakatakdang dumating sa bansa ngayong linggo ang kabuuang 15 Overseas Filipino Workers mula sa Lebanon.
Ayon sa Department of Migrant Workers(DMW), kung walang magiging problema, darating na sa Pilipinas ang 15 OFW pagsapit ng Oktobre-3.
Unang itinakda noong Setyembre-26 ang pagbabalik-bansa ng mga naturang mangagawa ngunit nagkaroon ng delay dahil sa suspension ng ilang mga flight.
Mula sa mahigit 11,000 OFW na kasalukuyang nasa Lebanon, mahigit 1,100 sa kanila na ang nagpahayag ng interest na makabalik sa bansa kasunod na rin ng lalo pang tumitinding kaguluhan sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng Hezbollah.
Mula noong October 2023 hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre, mayroon nang 430 Pinoy ang nakabalik na sa Pilipinas.
Bawat isa sa kanila, ayon sa DMW ay nakatanggap ng tig-P75,000 pagdating nila sa Pilipinas.