-- Advertisements --

Nasa labinlimang (15) paaralan sa Metro Manila ang muling binuksan bilang bahagi ng expansion phase para sa “in-person classes” ayon sa Department of Education.

Ayon kay Germa Constantino, information officer at the DepEd’s National Capital Region (NCR) office, sinimulan ng 15 mga paaralan ang kanilang “in-person classes”noong Lunes, na sinalihan ng 28 mga paaralan sa Metro Manila na pawang pinayagang magdaos ng classroom sessions sa ilalim ng pilot phase noong Nobyembre.

Sinabi ni Constantino na ang attendance ay “halos 100 percent” sa mga mag-aaral na lumahok sa expansion phase.

Dagdag pa nito na mapapabuti ang mga programa sa paaralan sa pagpapatuloy ng in-person learning, na unang ipinagbawal noong Marso 2020 dahil sa pandemya.

Umaasa si Constantino na mas maraming paaralan ang magbubukas muli sa mga physical classes sa mga darating na linggo.