-- Advertisements --

Patay ang 15 katao sa Namibia matapos na kumain ng nakakalasong lugaw.

Ayon sa mga kapulisan ng Windhoek, maaring sinadya ng hindi pa killang suspek ang paglalagay ng lason sa kinain ng mga biktima.

Ang nasabing lugaw ay gawa sa mga natirang residue ng mga ginagawang alak.

Ang mga biktima ay bahagi ng 21 na mula sa Kavango East na kumain sa nasabing handaan.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.