Binawian ng buhay ang 15 katao habang nasa 50 naman ang sugatan sa nangyaring pagsabog ng isang car bomb sa al-Bab, northern Syria.
Ang distrito ng al-Bab ay bahagi ng teritoryong kontrolado ng Syrian National Army, isang umbrella group para sa Syrian opposition factions.
Ayon kay Hassan Abu Salah, director ng volunteer rescue group na Syrian Civil Defense, hirap silang matukoy ang pagkakakilanlan sa tatlong mga bangkay dahil sa natusta ang mga ito sa pagsabog.
“At the location of the explosion, the Syrian Civil Defense workers removed body parts and collected them in bags and were handed to hospitals,” wika ni Salah.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung sino ang may pakana sa insidente.
Pero itinuro ng Ministry of National Defense ng Turkey ang Kurdish groups sa rehiyon bilang responsable sa pangyayari.
“Inhumane and uncivilized PKK/YPG terrorists continue to target innocent civilians using the same methods as DAESH. This time the terrorists detonated a car bomb in the al-Bab bus terminal in the Op Euphrates Shield area, killing 10 civilians and injuring more than 15,” saad ng ministry.