-- Advertisements --

Nasa 15 katao ang nasawi matapos ang magnitude 5.9 na lindol sa southwestern Pakistan.

Tumama ang lindol sa bulubunduking bahagi ng Harnal district sa Balochistan province.

Ayon sa US Geological Survey (USGS) na may lalim ang lindol mula 20.8 kilometers hanggang 9 kilometers.

Nagdulot ang lindol ng malawakang kawalan ng kuryente at pagkasira ng mga kabahayan.

Dinala na rin sa pagamutan ang nasa 300 na biktimang nasugtan sa lindol.