-- Advertisements --
Inaalam pa ng mga otoridad sa Thailand ang grupo na umatake sa isang security checkpoint sa Yala province.
Ayon kay Colonel Pramote Prom-in, a regional security spokesman, walang grupo na umako sa atake kung saan malaki ang paniwala nila na kagagawan ito ng mga insurgent groups.
Magugunitang umabot sa 15 katao ang patay kabilang ang isang pulis at ilang mga village defence volunteers.
Ang nasabing mga volunteers ay mga sibilyan na sinasanay na gumamit ng mga armas na poprotekta sa mga mamamayan.
Maraming mga sibilyan din ang nasugatan sa insidente.
Ito na ang pinakamalaking pag-atake ng mga insurgents sa lugar mula pa noong 2004.