-- Advertisements --
Nasa 15 katao ang patay matapos ang pananalasa ng matinding pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan sa South Korea.
Sinabi ni Prime Minister Chung Sye-kyun na dahil sa pag-ulan ng 42 araw ay siyang nagdulot ng pagbaha.
Lumikas din sa evacuation centers ang nasa 1,500 na pamilya sa malaking bahagi ng bansa.
Itinuturing na ito na ang pinakamatagal na monsoon rain sa loob ng pitong taon.
Dahil sa pangyayari ay idineklara ng Prime Minister ang Gyeonggi at Chungcheong province bilang special disaster zones.