-- Advertisements --
Patay ang 15 katao matapos hagisan ng granada ng Boko Haram ang kampo ng internally displaced people (IDP) sa Cameroon.
Naganap ang insidente sa Nguetchewe village sa north Cameroon malapit sa border nila ng Nigeria.
Sa imbestigasyon, tumawid pa ang mga suspek mula sa Nigeria noong madaling araw at isinagawa ang paghagis ng granada.
Dahi sa pangyayari ay patay agad sa insidente ang 13 katao habang 2 ang namatay habang ginagamot sa ospital.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.