-- Advertisements --
Nagdeklara ng state of emergency ang gobyerno ng Papua New Guinea dahil sa malawakang kaguluhan.
Dahil sa nasabing kaguluhan ay mayroong 15 katao na ang nasawi.
Sinabi ni Prime Minister James Marape na mayroong mahigit 1,000 mga sundalo ang naka-standby para ipatupad ang katahimikan.
Nagsimula ang kaguluhan ng magprotesta ang ilang kapulisan dahil sa mababang pasahod na ginatungan pa ng mga ilang mga katao dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho.
Hinikayat din ng ilang kapulisan ang mga tao na pasukin at pagnakawan ang mga establishimento.