-- Advertisements --
tandang sora fire

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa isang Subdivision, Brgy. Tandang Sora, Quezon City nitong Huwebes ng umaga, kung saan 15 ang naitalang nasawi at tatlo ang nailigtas.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, posibleng ang mga naka-imbak na pintura ang nagpalala sa laki ng apoy, kaya hindi ito agad naapula.

Sinasabing pagawaan at printing house ang isa sa mga nasunog na bahay sa naturang lugar.

Kukunan din ng salaysay ang tatlong nakaligtas sa pangyayari upang maliwanagan ang mga otoridad sa ilang detalye ng pangyayari.

Titingnan na rin nila ang mga CCTV sa area para makatulong sa mga imbestigasyon.