-- Advertisements --

VIGAN CITY – Ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) ang 15 percent increase ng rice production sa bansa sa ikatlong quarter ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Agriculture Sec. William Dar, kahit pa 50 percent ang napinsala ng mga nagdaang bagyo sa palay na katumbas ng walong araw na pagkonsumo ay may imbentaryo pa rin sila na hanggang sa pagsapit ng huling araw ng taon ay may suplay pa ng bigas sa bansa na aabot sa 85 na araw.

Dagdag ng kalihim, nakatulong umano ang timely weather advisories upang maani ng mga magsasaka nang mas maaga ang kanilang mga pananim bago pa man manalasa ang mga nagdaang bagyo.

Gayunman, ipinasiguro nito sa publiko na hindi aniya kukulangin ang suplay ng bigas sa bansa.