-- Advertisements --

Umabot sa 15 Filipino bikers mula sa bansang Kuwait ang inararo ng isang SUV habang nagbibisikelta kamakailan.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Eduardo De Vega na nasa halos 60 Filipino biker ang kabuuan na nagbibiskleta sa isang kalsada sa Kuwait.

Dagdag pa ni De Vega na sa naturang bilang ay 15 ang sugatan sa insidente habang nasa walo pa ang nagpapagaling pa sa ospital.

Iniibestigahan na ng mga awtoridad ang naturang insidente habang inaalam pa nila kung sino ang nagmamaneho ng nasabing SUV.

-- Advertisement --