-- Advertisements --

LA UNION – Aabot sa 15 mga pinoy seafarers ang naka-quarantine ngayon sa isang hotel sa Brunei Darussalam.

Bahagi ito sa mga ipinapatupad na protocol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Bombo International Correspondent Engr. Rodolfo Estepa, tubo sa syudad ng San Fernando, sinabi nito na dumating sila sa naturang bansa noong Setyembre uno.

Aniya, mga kawani ng Ministry of Health ang sumalubong sa kanila sa airport at agad silang isinailalim sa health protocols laban sa COVID 19, partikular ang social distancing, pagsusuot ng face mask, face shield, at maging PPE.

Gayunman, wala naman umano silang problema sa pagkaka-quarantine dahil libre at kumpleto sila sa pangangailangan.

Ipinaliwanag ni Engr. Estepa na ang mga kasama nitong pinoy seafarers ay mula sa iba’t ibang barko at manning agency.