GENERAL SANTOS CITY – Nag-file na ng courtesy resignation ang mga opisyal ng Police Regional Office (PRO) 12 nitong araw.
Mismong ang pinuno nito na si PBGen. Jimili L. Macaraeg ang nanguna sa pagsumite ng kanilang courtesy resignation.
Kasunod pa rin ito ng naging panawagan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na magbitiw sa puwesto ang lahat ng mga full-pledged colonel at generals ng Pambansang Pulisya.
Sa harap ng taga media, sabay sabay na ipinakita ng 17 PRO 12 officials na kinabibilangan ng 15 police colonel at dalawang brigadier general ang pinirmahang courtesy resignation.
Ayon kay PBGen. Macaraeg, suportado nila ang panawagan ni Sec. Abalos para sa layon nito na internal cleansing.
Aniya, mahalaga ang pagkakaroon ng magandang integridad ng buong pulisya.
Kumpyansa naman ito na walang opisyal ng PRO 12 ang sangkot sa ilegal na droga.