-- Advertisements --

Iniulat ng OCTA Research Group na isinailalim ngayon sa “very high” COVID-19 positivity rates ang 15 probinsiya sa Luzon.

Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng probinsiya ng Albay, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Base sa data, nakuha ng Camarines Sur ang pinaka-highest record na 48.7 percent; sinundan ng Isabela (47.6 percent), Tarlac (41.9 percent), Nueva Ecija (38.4 percent), Pampanga (35 percent), at Laguna (33.2 percent).

Ang Cagayan ay nakapagtala ng 30.5 percent positivity rate; sinundan ng La Union (29.4 percent), Zambales (28.6 percent), Albay (28.2 percent), Quezon (25.1 percent), Pangasinan (25 percent), Benguet (22 percent), Cavite (21.1 percent) at Rizal (18.8 percent).

Samantala, iniulat din ni David na tumaas din ang positivity rate sa Metro Manila mula 15.5 porsiyento noong Hulyo 30 hanggang 17.5 porsiyento noong Agosto 6.