-- Advertisements --
Agad nagtaas ng tropical cyclone wind signal number one sa 15 probinsya sa Luzon dahil sa tropical depression Jenny.
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, kabilang sa mga nasa unang babala ang mga sumusunod: Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Aurora, Nueva Ecija, silangang bahagi ng Pangasinan, hilagang parte ng Quezon, kasama ang Polillo Island, maliban pa sa Catanduanes
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 670 km sa silangan Virac, Catanduanes.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Sa kasalukuyan ay may lakas ito ng hanging 45 kph at may pagbugsong 55 kph.