-- Advertisements --

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief police director Oscar Albayalde na sampahan ng kasong administratibo ang 15 pulis na may direktang partisipasyon sa panloloob sa isang pribadong bahay at ninakaw ang ilang mahahalagang kagamitan.

Nabatid na nasa 62 pulis Caloocan ang sinibak sa puwesto ni Albayalde na sangkot sa nasabing insidente.

Nakunan ng CCTV camera ang ginawang panloloob ng mga pulis sa isang pribadong bahay nito lamang September 7.

Kanina ay hinarap at pinagalitan ni Albayalde ang mga sangkot na pulis.

Pahayag ng heneral na malinaw na paglabag sa batas ang mga ginawa ng pulis kaya dapat lamang managot ang mga ito.

Una nang ibinunyag ni Albayalde ang pagsibak sa lahat ng mga pulis Caloocan kasunod ng mga serye ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga ito.