Umabot na sa 15 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang na-relieve sa pwesto dahil sa kabiguang matunton at tuluyang mahuli ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
Mula sa 15 pulis na ito, 12 ay pawang mga non-commissioned police officers.
Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inatasan na rin nito ang PNP Internal Affairs Service na magsagawa ng impartial investigation para matukoy kung mayroong anumang operational lapses o labis na pwersang nangyari sa kontrobersyal na isinagawang police operation sa compound ni Quiboloy noong Hunyo. Sa naturang operasyon, isisilbi sana ng pulisya ang warrant laban kay Quibolog at limang iba pa.
Sa kabila nito, nanindigan ang opisyal na ginagawa lamang ng pulisya ang kanilang trabaho noon.