-- Advertisements --

Nasa 15 rescue workers ang nasawi dahil sa airstrike ng Israel.

Naganap ang insidente sa isang emergency response center sa Douris sa Lebanon.

Isa ito sa pinakamadugong atake ng Israel na ang mga biktima ay mga Lebanese emergency responders sa giyera.

Nasira din ang gusali ng civil defense agency na ito ay pag-aari ng gobyerno ng Lebanon at hindi pag-aari ng Hezbollah.

Mula pa noong Setyembre ay pumalo na sa 192 na mga emergency at health workersang nasawi sa air strikes ng Israel sa Lebanon.