CEBU CITY – Dinala sa pagamutan ang 15 sugatan, kabilang na ang mga Japanese-nationals, matapos ang nangyaring bangaan ng isang tourist van at isang multicab sa ML Quezon Avenue, sa lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu.
Kinilala ang nasugatan na multicab driver na si Jefferson Upani Dayupay, 56, taga-Brgy. Pajo ng nasabing lungsod, habang sugatan din ang nagmaneho ng tourist van na si Albert Contratista ng Mandaue City.
Ayon sa imbestigasyon ng Lapu-Lapu City Police Station 5, sumakay ang walong Japanese national sa tourist van papuntang airport.
Sakay din ng multicab ang mga trabahante mula sa Mactan Export Processing Zone (MEPZ).
Ayon sa imbestigador na si Corporal Melvin Eyas, nagbangaan ang dalawang sasakyan dahil lumagpas umano sa lane ang tourist van.
Nagtamo ng serios injury ang ilang mga pasahero habang naipit naman sa minamanehong multicab si Dayuday.
Dagdag pa ni Eyas, aalamin sa isinasagawang imbestigasyon kung ano talaga ang dahilan ng nangyaring banggaan.
Naka-impound na sa isang safety area sa Lapu-Lapu City ang mga nasirang sasakyan.