-- Advertisements --

Nasa 15 katao ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa loob ng mosque sa eastern Afghanistan.

Agad na dinala ang mga nasugatang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Wala namang naitalang nasawi sa nasabing pagsabog sa mosque na matatagpuan sa Spin Ghar district ng Nangarhar province.

Wala pang grupong umako sa nasabing pagsabog.