CAGAYAN DE ORO CITY – Mahaharap ng kasong paglabag ng Philippine Mining Act ang 15 suspected miners sa Misamis Oriental.
Kaugnay ito sa kanilang pagka-aresto habang nagsagawa ng suspected illegal mining operations sa bayan ng Opol at Manticao ng lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na unang naaresto ang 13 na aktong naghuhukay sa pinaghinalaang mining site kaya inaaresto.
Sinundan ito ng dalawa pang suspected miners na nahuli dahil sa pagsumbong na ng unang mga naaresto sa lugar.
Narekober sa mula sa mga naaresto ang magkaibang kagamitang pang-mina na kinabilangan ng minerals at ibang paraphernalia.
Napadali ang pagka-aresto ng suspected local miners dahil sa pinag-isang operasyon ng pulisya,Municipal Environment and Natural Resources Office at Regional Task Force on Mining Operations kung saan nabawi ang higit dawalang milyong kagamitan ng pagmimina.