-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mula sa High risk area ay isinailalim na ng Department od Health sa moderate risk ang Mountain Province sa bumababang kaso ng COVID-19 .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Bonifacio Lacwasan Jr. ng Mountain Province na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lalawigan kung saan 25 ang kanilang pinakahuling naitala at 44 ang gumaling.

Sinabi ni Gov. Lacwasan na noong Disyembre ay sila ang may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa mga probinsiya ng Cordillera Adminsitrative Region ngunit pagdating ng buwan ng Enero ngayong taon ay biglang tumaas ang nagpositibo sa COVID-19 at nagtala rin ang bayan ng Bontoc pangunahin na sa barangay Samoki na mayroong 12 tinamaan ng U.K. variant ng COVID-19 at nadagdagan pa ng 3 na pawang kanilang closed contact.

Dahil dito isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Barangay Samoki sa bayan ng Bontoc na nagtapos ngayong Febryary 7, 2021.

Nagsagawa anya ang DOH ng malawakang contact tracing at mass swabbing sa kanilang lalawigan na naging epektibo.

Sinabi pa ni Gov. Lacwasan na lahat ng 15 nagpositibo sa U.K. variant ay pawang nasa mabuti nang kalagayan at gumaling na.

Mahigpit pa rin anya nilang hinahanapan ang mga bumibiyahe ng travel authority at health declaration bukod pa sa mas pinahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols habang nakasailalim ang Mountain Province sa General Community Qurantine.